Ama ako'y nananalangin Sayo
Ikaw Ang pag asa at patnubay ko
Nawa'y bigyang liwanag ang Buhay ko
Upang Walang hadlang sa paglilingkod ko
Batid mo po ang aking kalagayan
Ikaw lamang ang lakas at kailangan
Sa puso ko Ikaw Ang sandigan
Mananatiling Ikaw Ang kalulugdan
Sa aking patuloy na paglapit
Tulungan nawa akong makapagtiis
Upang kahit saan man abutin
Mananatiling ako'y Sayo parin
#FaithDiaries #echoes #emotions #emotionsandechoes

❤2
Aking Sinta
O aking sinta, mula nang makilala ka
'di mawaglit sa isipan ang iyong mukha
Wari'y nagugustuhan ka na
Ngunit di ko pinangunahan ang nadarama
Dumating ang araw na lubos Kong nakikita
Ang iyong halaga sa bawat pahina
Sa aking kwaderno'y laman ka nito
Walang araw na di nasusulat ang pangalan mo
Sa pagsilay ng iyong mga Mata
Sa pagkinang nito nawa ako ang nakikita
Pagkat aking ninanais-nais na ang iyong pagtingin
Nawa sa akin mabaling
Sa mga araw na nag dadaan
Naiisip ko ang mga pangungusap
Na sa mga labi mo dumaraan
Pinapangarap nawa ito ay katotohanan
Dalangin sa ating Ama
Nawa ikaw ay makasama pa
Sa mga panahong nalalabi
Dinggin nawa sambit ng mga labi.
Kath | Emotions and Echoes
#diaries #momentoflife #emotionsandechoes #FaithDiaries #echoes #emotions

❤4
Pangarap
Akala ko'y abot kamay ko na,
Akala ko'y tanaw ko na
Ngunit hindi pa pala.
Pagtuunan ang mga galaw
Kaunting hakbang pa
Paabante o paatras
Suungin ang bawat butas
Nang karayom upang malutas.
Mga bagay na minimithi
Wag magmadali sa pag-angat,
Namnamin ang bawat sandali
May oras para sa bagay na inaasam
Hindi pa huli ang lahat sa'yo
Sa Bawat tao'y may nakalaan
Kaya wag ikumpara ang sarili sa iba
Dahil hindi ikaw sila.
Kath | Faith Diaries
#Faith #diary #diaries #qoutesoftheday #momentoflife #emotions #echoes

❤3
Distansya
Sa likod ng distansya, ikaw ay nariyan
Alaala't ngiti, 'di mawawala sa damdamin
Malayo man sa isa't-isa, 'di mawala
ang alaala ng pagsasama
Oo sa una'y hindi madali
Malungkot at mabigat
Tatagan mo ang loob mo
Kalaunan nito'y masasanay tayo
Asahan mo sa mga dadaang panahon
Hindi magbabago ang damdamin ko
Pagtatagpuin tayo ng panahon
Hanggang dulo Ikaw at Ako
Kaya ang kahilingan ko sayo
Subukin man tayo ng panahon
Manatili sa a'tin ang mga pangako
At ang pag-ibig na totoo

"Nawa sa pagkakataon na ito ikaw na ang huling mamahalin ko."
Nilikha ni: Kath
Hindi ko man alam ang iyong ginagawa o kung saan ka dalhin ng iyong tadhana, naniniwala ako na gagabayan ka ng ating Ama. Ngunit bago man dumating ang araw na pagtagpuin tayo ng pagkakataon, nais ko lamang ipabatid na hindi naging madali ang aking mga paglalakbay.
May mga laban akong tinapos na
Nasayang na panahon di' na maibabalik pa
Ngiti na ngayon ay luha na
Pangyayaring hindi ko na kayang balikan pa
Gabing hikbi't ang bawat pag-iyak.
Pagdating ng sandaling pagtagpuin tayo ng Ama, iaalay ang puso kong buo sa pag-asa. Ang panata ang magiging sandata ko, upang maihanda ang sarili sa pagdating mo, nawa sa kahinaan ko ikaw ang maging lakas ko.
Sa sandaling mahanap na kita, magiging katuwang mo ako sa lahat ng bagay, Maghihintay ako sa mga oras na wala ka, Ako ang magiging pahinga mo sa buong araw na pagod ang katawan mo, alam kong hindi madali ngunit ito ang tungkuling iyong pinanghahawakan, unahin mo ang tungkuling iniatang sa iyo dahil iyon ang kalooban ng Ama.
Sa araw-araw ikaw ang laging pipiliin
Sa mga araw na gusto mo nang sumuko hawakan mo lang ang mga pangakong nandito lang ako, mamahalin kita Hanggang sa paghiwalayin tayo ng kamatayan.

Tanaw Kita
(Bagong Bersyon)
Nilikha ni: Kath 💐🌙
Sa malayo, tanaw pa rin kita,
Saan man mapadpad, ikaw ang nakikita.
Sapat na sa akin ang isang sulyap ng iyong mukha,
Kahit di maabot, puso’y napapasaya.
Magkalapit man tayo sa bawat sandali,
Ngunit ang iyong mata’y sa iba nakapako lagi.
Tahimik kong kinikimkim ang nadarama sa sarili,
Habang sa usapan natin, ako’y napapangiti.
Sa ganitong paraan, ako’y kuntento na,
Itinatago ang lihim na ako lang ang may dala.
Takot ang puso na baka sa’yo’y mag-iba,
At mawala ang pagkakaibigang nabuo na.
Sa bawat titig, pilit kong nililihis,
Baka mabasa mo ang damdaming iniinggit.
Sa bawat tawa, puso ko’y napapikit,
Hinahabol ang saya kahit saglit.
Kung sakaling mapansin mo ang katahimikan,
Sana’y huwag mong bigyan ng kahulugan.
Dahil sa likod ng bawat pag-iwas at alinlangan,
Ikaw pa rin ang nais kong samahan.
Kaya mananatili na lang sa ganito,
Na tanaw kita ngunit ‘di maging tayo.
Sanayin ang pusong hanggang dito na lang,
At tanggapin ang lahat nang walang alinlangan.
Ngunit isang gabi, ako’y napaisip—
Hanggang kailan ko ito ikukubli’t titiisin?
Kung mawawala ka rin sa katahimikan ko,
Hindi ba’t mas mabuting malaman mo?
Kaya sa wakas, lakas-loob kong sinabi,
Ang lihim na matagal nang nakatago sa sarili—
Ngunit bago pa man ako tuluyang matapos,
Ngumiti ka… at sabay mong inamin:
“Matagal na rin kitang tanaw.”
#nocopyrightinfringementintended
#DoNotRepostWithoutPermission
#nocreditsnorepost
#notemperedthesignature

"Ikaw ay patuloy na lalakas—huwag kang mangamba"
Nilikha ni: Kath 💐🌙
Batid ko ang iyong nadarama,
Sa suliranin at bagabag na dinadala;
Wari’y ang iyong isipan ay wala nang pahinga,
Iyuko mo ang iyong ulo’t tumawag sa Kanya.
Kung sa isip mo’y ika’y nag-iisa,
Sa pagharap sa pagsubok na iyong pasan;
Marami sa paligid mo ang nag-aalala,
Piliin mong mga kaibigang dadamayan ka.
Sa dilim man ng gabi’y may liwanag na dala,
Pag-asa’y sisilay kung ‘di ka bibitaw pa;
Sa bawat luha’t hirap na iyong dinarama,
May kamay na handang umalalay sa’yo—maniwala ka.
Kung ang puso mo’y tila napupuno ng pangamba,
At ang mundo mo’y wari’y gumuho na;
Alalahanin mong may dahilan ang bawat pagluha,
At sa bawat sakit, may aral na dala.
Hindi man ngayon ang sagot sa iyong panata,
Hindi man agad matamo ang inaasam;
Sa tamang panahon, biyaya’y daratal,
At bawat hirap mo’y papalitan ng galak.
Kaya’t huminga ka, ipikit ang mata,
Ialay sa Kanya ang bigat na nadarama;
Sa bawat hakbang, kahit mabagal pa,
Ikaw ay patuloy na lalakas—huwag kang mangamba.

❤1🥰1
Pahina
Nilikha ni; Cath 💐🌙
Mga blankong pahina sa dilim
May mga salitang hindi makompleto
Hindi mapunan ang patlang
Sapagkat walang lumalabas sa bibig
Dito mo hanapin ang sagot
Na matagal mo nang hinahanap
Sa apat na sulok ng kwarto
Upang hindi ka maligaw
Mga bagay na hindi mo nakikita
Ipikit ang iyong mga mata
Marahil maraming iniisip
Huminga ng malalim
Huwag sumuko sa mga pangarap
Maraming nakaabang sa iyong pagsulat
Bigyan mo sila ng inspirasyon at pag-asa
Kakapitan nila bawat mong salita
#nocopyrightinfringementintended #notemperedthesignature #nocreditsnorepost #DoNotRepostWithoutPermission

❤1
“Mula sa mga alaala ng kahapon, sa tagumpay ng kasalukuyan, tungo sa mas maunlad na bukas.”
Nilikha ni; Kath 💐🌙
Sa paglipas ng mga taon at alaala,
Mga yapak ng kahapon ay hindi nawawala,
Mga pangarap noon na tila kay hirap abutin,
Ngunit sa tiyaga’t lakas-loob, atin ding narating.
Mula sa simpleng simula at munting adhikain,
Unti-unting umusbong ang hangaring maging bituin,
Bawat sakripisyo’t pawis na inialay,
Naging pundasyon ng tagumpay na taglay.
Ngayon ay ating ipinagdiriwang,
Mga bunga ng hirap ay ating tinatamasa’t pinagyayaman,
Sa bawat ngiti at pusong nagkakaisa,
Tagumpay ng kasalukuyan ay tunay na dakila.
Apatnapu’t limang taon ng kwento’t aral,
Mga pagsubok man ay hindi naging hadlang,
Bagkus naging tulay sa mas matibay na samahan,
At inspirasyon sa bawat bagong henerasyon.
At sa pagharap sa bukas na darating,
Pag-asa’y patuloy nating aalabin,
Mas maunlad na landas ang sabay-sabay tatahakin,
Bitbit ang aral ng kahapon at lakas ng ngayon na darating.
Kaya’t sama-sama nating ipagdiwang,
Paglalakbay na walang kapantay na taglay na tagumpay,
Mula kahapon, ngayon, at sa bukas na darating,
Ang ating kwento’y patuloy na magniningning.

🙏1