We remember today Ernesto Jude Rimando Jr.
Read Ang Bayan | November 11, 2024 feature story on Ka Jude Rimando and his legacy in the Kabataang Makabayan and the Central Visayas revolutionary movement.
Read Ang Bayan | November 11, 2024 feature story on Ka Jude Rimando and his legacy in the Kabataang Makabayan and the Central Visayas revolutionary movement.
❤6
Nananaginip nang gising si Ferdinand Marcos Jr at kanyang mga upisyal militar sa sunud-sunod na pagdedeklara ng Stable Internal Peace and Security (SIPS) sa mga prubinsya at rehiyon noong Hunyo. Naghahabol siya nang maipagmamalaking "tagumpay" laban sa rebolusyonaryong kilusan sa ika-limang state of the nation address (SONA) sa Hulyo 27, karugtong ng deklarasyon sa huling SONA noong Hulyo 2025 na "wala nang grupong gerilya."
Basahin: https://philippinerevolution.nu/2026/07/21/ang-ilusyong-sips-ni-marcos-at-ng-afp/
Basahin: https://philippinerevolution.nu/2026/07/21/ang-ilusyong-sips-ni-marcos-at-ng-afp/
Magreretiro sa Hulyo 21 si General Romeo Brawner Jr, hepe ng Armed Forces of the Philippines (AFP), matapos ang mahigit apat na dekada ng pagiging utusang pasista ng reaksyunaryong estado. Sa kanyang pag-alis, maaalala siya bilang kriminal sa digma, burukratang kapitalista sa militar, at masugid na asong pasista ng imperyalismong US.
Mahaba ang listahan ng krimen ni Brawner sa sambayanang Pilipino. Habampanahon siyang sisingilin ng mga pinagkakautangan niya ng dugo, at hahabulin ng katarungang bayan.
Basahin: https://philippinerevolution.nu/2026/07/21/ang-madugong-rekord-ni-gen-romeo-brawner-jr/

❤1
Sampung taon na noong Hulyo 12 ang desisyon ng Permanent Court of Arbitration (PCA) na naggawad ng mga karapatang pandagat sa Pilipinas sa kanyang exclusive economic zone o EEZ nito sa pinagtatalunang bahagi ng South China Sea (SCS). Nakabatay ang desisyon sa United Nations Convention on the Law of the Seas. Subalit imbes na maging instrumento para mapayapang lutasin ang mga sigalot, at magamit para sa paglinang ng Pilipinas sa rekursong pangkaragatan nito, winaldas ito ng magkasunod na rehimen alinsunod sa kani-kanilang pansariling interes.
Basahin: https://philippinerevolution.nu/2026/07/21/2016-pca-arbitral-ruling-winawaldas-ng-papet-na-rehimeng-marcos/
Basahin: https://philippinerevolution.nu/2026/07/21/2016-pca-arbitral-ruling-winawaldas-ng-papet-na-rehimeng-marcos/