Mahigit 100 araw mula noong Pebrero 28 nang simulan ng imperyalismong US at Zionistang estado ng Israel ang paglusob at ilang linggong pambobomba sa bansang Iran, pinirmahan ng dalawang bansa noong Hunyo 17 ang memorandum of understanding o "unawaan" matapos ang masalimuot na negosasyon sa Islamabad, Pakistan. Laman ng unawaang ito ang "ceasefire" o tigil-putukan sa loob ng 60 araw para pag-usapan ang mga detalye ng bubuuing pinal na kasunduan.
Nananatiling walang katiyakan ang katapusan ng gerang agresyon ng US at Israel sa Iran at Middle East sa kabila ng pinirmahan ng gubyerno ng US at Iran na "memorandum of understanding" o MOU para sa kapayapaan (Islamabad Memorandum of Understanding) noong Hunyo 17.
https://philippinerevolution.nu/2026/06/21/sagka-ang-kataksilan-ng-us-at-israel-sa-kapayapaan-sa-iran-middle-east/
https://philippinerevolution.nu/2026/06/21/sagka-ang-kataksilan-ng-us-at-israel-sa-kapayapaan-sa-iran-middle-east/
Ipinakakaladkad ng papet na rehimeng Marcos sa kapahamakan at panganib ng imperyalistang gera ng US ang mga lokal na gubyerno sa paglulunsad ng Inter-Agency Territorial Defense Operations Exercise (ITDOEx). Isa itong war games ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na tinatabingan ng katawagang "pagtutulungang militar-sibilyan" sa panahon ng matinding krisis at sakuna.
https://philippinerevolution.nu/2026/06/21/pagkaladkad-sa-mga-lokal-na-gubyerno-sa-imperyalistang-gera-ng-us-sa-asia/
https://philippinerevolution.nu/2026/06/21/pagkaladkad-sa-mga-lokal-na-gubyerno-sa-imperyalistang-gera-ng-us-sa-asia/
Mga protestang magsasaka ang sumalubong noong Hunyo 10 sa ika-38 taong ng bangkaroteng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP). Tinagurian nila ang programang ito bilang “pinakamatagal, pinakamagastos at pinakamadugong huwad na reporma sa lupa” na ipinatupad ng reaksyunaryong estado.
https://philippinerevolution.nu/2026/06/21/rgrl-hindi-carp-ang-sagot-sa-problema-sa-lupa-ng-magsasaka/
https://philippinerevolution.nu/2026/06/21/rgrl-hindi-carp-ang-sagot-sa-problema-sa-lupa-ng-magsasaka/
Panahon na naman ng tag-ulan kaya abala ang pamilya ni Marilyn, isang magsasaka sa isang larangang gerilya sa Eastern Visayas, sa pagtatanim ng upland rice. Sa nakaraan, tanging ang pamilya niya ang bumabalikat sa mabibigat na gawain ng paghahanda ng lupa hanggang pagtatanim ng bigas para may makain. Pero ngayong taon, isang buong yunit ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) ang magiging katuwang nila.
https://philippinerevolution.nu/2026/06/21/kolektibong-pagsasaka-tugon-ng-masa-at-hukbo-sa-krisis-at-gutom/
https://philippinerevolution.nu/2026/06/21/kolektibong-pagsasaka-tugon-ng-masa-at-hukbo-sa-krisis-at-gutom/
Nagmartsa sa Mendiola ang mga progresibong grupo noong Hunyo 8 upang kundenahin ang 25 taong pagpapahirap ng Electric Power Industry Reform Act (EPIRA) sa milyun-milyong Pilipino. Sa ilalim ng batas na ito, naging ikatlo ang Pilipinas sa may pinakamahal na kuryente sa buong Asya.
https://philippinerevolution.nu/2026/06/21/epira-25-taong-pagpapahirap-sa-masang-pilipino/
https://philippinerevolution.nu/2026/06/21/epira-25-taong-pagpapahirap-sa-masang-pilipino/
Ibinasura ng Sandiganbayan Special Division noong Hunyo 2 ang Civil Case 0141, ang natitirang kaso laban sa nakaw na yaman ng pamilyang Marcos, dahil sa matinding pagkaantala ng paghahain ng ebidensya ng prosekusyon. Inihain ang kaso noong Disyembre 17, 1991 at mahigit 30 taon nang nakabimbin. Kinasasangkutan ito ng ₱50 bilyong nakaw na yaman ng mga Marcos. Nagpasya ang hukuman matapos ihayag ng Presidential Commission on Good Governance (PCGG) na wala na itong ihahaing karagdagang ebidensya.
https://philippinerevolution.nu/2026/06/21/pagbawi-ng-nakaw-na-yaman-nalubos-na-ng-pamilyang-marcos/
https://philippinerevolution.nu/2026/06/21/pagbawi-ng-nakaw-na-yaman-nalubos-na-ng-pamilyang-marcos/
SEND US YOUR FEEDBACK! ✋✍
Do you have any questions, feedback and recommendations on the latest issue of Ang Bayan? We encourage readers to send them to us through our email at ang.bayan@cpp.ph or send a DM to @phrev_info to help us improve our newspapper.
Ang Bayan also welcomes comments on articles published under Ang Bayan Ngayon, videos and podcast released under Ang Bayan Video & Audio.
#AngBayan

❤6