Ang Bayan
342 subscribers
385 photos
55 videos
116 files
40 links
Ang Bayan ("The People") is the official publication of the Communist Party of the Philippines, guided by Marxism-Leninism-Maoism. It is published by the Central Committee.
Download Telegram
Hi­git kai­lan­man sa ka­say­sa­yan ng Pi­li­pi­nas, na­pa­ka­hig­pit nga­yon ng pa­nga­ngai­la­ngang ma­ki­ba­ka nang buong-si­ga­sig pa­ra kam­tin ang ma­ta­gal nang hi­na­ha­ngad ng sam­ba­ya­nang Pi­li­pi­no na tu­nay na ka­la­ya­an mu­la sa ma­la­ko­lon­yal na kontrol at do­mi­na­syon ng mga im­per­ya­lis­tang Ame­ri­ka­no.

Ni­ya­ya­nig ang buong mun­do ng pa­pa­la­lim na pan­da­ig­di­gang kri­sis ng sis­te­mang ka­pi­ta­lis­ta at umi­ig­ting na tung­ga­li­an ng mga im­per­ya­lis­tang ka­pang­ya­ri­han. Sa ha­rap ni­to, la­long tu­mi­tin­di ang ag­re­syong mi­li­tar ng US, sa im­bing pa­ka­nang ipa­taw ang he­ge­mon­ya sa iba’t ibang pa­nig ng daig­dig pa­ra kontro­lin ang mga pi­nag­ku­ku­nan ng hi­law na ma­ter­ya­les at mga pa­mi­li­han pa­ra sa pag­ta­tam­bak ng kan­yang sob­rang mga ka­la­kal.

Basahin ang buo sa: https://philippinerevolution.nu/2026/06/07/wakasan-ang-80-taong-malakolonyal-na-paghahari-ng-imperyalismong-us/
2
Matagumpay na idinaos sa pangunguna ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) ang Ika-6 na Internasyunal na Teoretikal na Kumperensya na may paksang “Pasismo at Imperyalismo sa mga Neokolonya sa Ika-21 siglo” noong Mayo 22–23 sa Kathmandu, Nepal. Nilahukan ito ng halos 200 kinatawan mula sa 17 bansa, na binubuo ng mga partido komunista, mga partidong manggagawa, mga grupong nagbubuo ng partido, mga rebolusyonaryong organisasyon, mga kilusan para sa pambansang pagpapalaya, at mga progresibong organisasyon.

Ang aktibidad ay ikalawa sa dalawang magkasunod na kumperensya na tumalakay sa usapin ng pasismo sa ika-21 siglo. Ang sinundan nitong kumprensya ay tumalakay sa pasismo sa mga pusod ng imperyalistang bayan at mga industriyalisadong kapitalistang bansa.

Basahin ang buo sa: https://philippinerevolution.nu/2026/06/07/teoretikal-na-kumperensya-hinggil-sa-pasismo-at-imperyalismo-sa-mga-neokolonya-sa-ika-21-siglo-inilunsad/
1
Ma­ta­pos ang Ba­li­ka­tan 2026, agad na iki­na­sa ng US ang ka­su­nod na mga war­ ga­mes na Sa­lak­nib, Ka­sang­ga, at Ma­ri­ne Exerci­se (MA­REX) noong Ma­yo. Ma­hi­git 8,000 tro­pa mu­la sa US, Ja­pan, Austra­lia, at Pi­li­pi­nas, pa­ti na mga tro­pa mula New Zea­land at Ca­na­da, ang ka­la­hok sa mga war­ ga­mes. Ta­li­was sa si­na­sa­bing para ito sa “ekster­nal na de­pen­sa,” ko­mun sa tat­lo ang mga kontra-in­sur­hen­syang ope­ra­syon na isi­na­sa­ga­wa sa mga ko­mu­ni­dad ng mga mag­sa­sa­ka at ma­ngi­ngis­dang Pi­li­pi­no.

Basahin ang buo sa: https://philippinerevolution.nu/2026/06/07/mga-kontra-insurhensyang-operasyon-ng-us-sa-tabing-ng-war-games/
1
Sa Shangri-La Dialogue sa Singapore, namayagpag si Gilberto “Gibo” Teodoro Jr, kalihim sa depensa ng rehimeng Marcos, bilang tagapaglako ng pinakamasasahol at militaristang patakaran ng imperyalistang US. Dito, hinimok niya ang mga bansa na sumunod sa kumpas ng US at nagprisentang maging taga-koordina ng mga ito sa Asia. Animo’y asong ulol, agresibo niyang inatake ang mga kumakalaban sa US. Ang Shangri-La Dialogue na ginanap noong Mayo 29-31 ay taunang pagtitipon ng mga upisyal sa depensa sa Asia.

Basahin ang buo sa: https://philippinerevolution.nu/2026/06/07/gibo-teodoro-pasistang-asong-ulol-ng-imperyalismong-us/
1
Nagbabala ang Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) laban sa nagbabadyang super El Niño sa gitna ng 2026 hanggang sa maagang bahagi ng 2027. Para sa mga magsasaka at mangingisda, nangangahulugan ito ng pagkawala ng ani, dagdag na pagtaas ng gastos sa produksyon, kakulangan sa tubig, at matinding kagutuman.

Basahin ang buo sa: https://philippinerevolution.nu/2026/06/07/super-el-nino-pinangangambahan-ng-mga-magsasaka-at-mangingisda/
1
Ibayong hinuhubaran ng panibagong reporma ng rehimeng US-Marcos sa general education o GE ang bulok na sistema sa Pilipinas. Itinutulak ng Commission on Higher Education (CHED) ang panukalang Reframed General Education Curriculum Component (RGECC). Layunin nitong bawasan ang rekisitong asignaturang GE mula sa kasalukuyang 36 tungong 18 yunit na lamang. Target itong ipailalim sa “pilot” (eksperimento) na pagpapatupad sa akademikong taon 2026-2027, kung saan muling babawasan ang mga kursong ukol sa kasaysayan, panitikan, at etika.

https://philippinerevolution.nu/2026/06/07/higit-na-paghuhubad-sa-bulok-na-edukasyon/
1
Sa nagdaang buwan, umigting ang opensibang inilulunsad ng imperyalismong US, sa pangunguna ng pangulo nitong si Donald Trump, laban sa mga bansa sa Latin America. Pinapayungan ng “Trump Corollary” o kadugtong ng doktrinang Monroe ang kasalukuyang mga atake, agresyon at panggigipit.

https://philippinerevolution.nu/2026/06/07/umiigting-na-agresyon-at-panghihimasok-ng-imperyalismong-us-sa-latin-america/
1
Ang Bayan June 7, 2026 | Bisaya Edition is now available. Download our copy here.
ICYMI: Ang Bayan June 7, 2026 is now available in Pilipino, Bisaya & English. Download your copy here. #AngBayan