30K subscribers
2.42K photos
110 videos
1 file
11.5K links
The Official Telegram Channel of NET25
Download Telegram
​​BRINGING HOPE TO AFRICA

Sa iba’t ibang panig ng mundo, maraming mga komunidad ang patuloy na nahihirapan sa kanilang mga pangunahing pangangailangan: tulad ng malinis na inuming tubig, serbisyong pangkalusugan, at pagkain. Sa pamamagitan ng Felix Y. Manalo Foundation, patuloy na naipapaabot ng Iglesia Ni Cristo (Church Of Christ) ang tulong sa mga tao sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

Sa Africa—isa sa mga rehiyong pinagtuunang pansin ng programang ito—maraming pamilya ang umaasa pa rin sa hindi ligtas na pinagkukunan ng tubig, may limitadong access sa serbisyong medikal, at nahaharap sa kakulangan ng pagkain dahil sa kahirapan at kakapusan sa buhay.

Upang makatulong sa mga pangangailangang ito, nagpatayo ng mga water pump na mapagkukunan ng malinis at ligtas na inuming tubig sa mga komunidad. Nagsagawa rin ng mga medical mission para sa mga residenteng nangangailangan, at namahagi ng mga care package na naglalaman ng mga pagkain. Namahagi rin ng mga bisikleta upang makatulong sa transportasyon at paghahanapbuhay ng mga residente.

Bukod dito, patuloy rrin ang pagpapatayo ng mga gusaling sambahan sa iba’t ibang lugar sa kontinente bilang bahagi ng misyon ng Iglesia Ni Cristo na ibahagi ang mga salita ng Diyos at maghatid ng pag-asa sa Africa.
155👍8😍4🔥2