HUGOT UNSENT
398 subscribers
892 photos
27 videos
5 files
17 links
Mga hugot hindi mo malaman kung ano talagang pinagdadaanan sa buhay 🥀

👤 Creator: @wtfNoah

©️ Since April 24, 2017
Download Telegram
Napapagod na ko kakaisip na isang araw marerealize mo rin. Napapagod na ko kaka stay sa tabi mo kahit di mo ko nakikita sa harapan mo. Napapagod na ko makitang nahuhulog ka sa iba paulit ulit nalang. Napapagod na kong gumising kada umaga na may message mo kahit hindi ako ang mahal mo. Napapagod na ko kasi alam kong wala akong pag asa sayo at sa dinami rami ng taong pwedeng mahalin ko ikaw pa na hindi ako gusto ang nagustuhan ko.
Sa relasyon hindi pwedeng ikaw lang yung pinag bibigyan, hindi pwedeng ikaw lang yung masusunod, hindi pwedeng kung ano lang yung gusto mo yun lang yung susundin, hindi pwedeng kapag mali ka tama ka pa rin sa pananaw mo, hindi pwedeng mali ka na nga pinipilit mo pa ring tama ka. Dapat matuto kang umunawa at umintindi, dapat alam mo kung pano mag bigay hindi yung puro ka lang tanggap ng tanggap. Hindi habang panahon yung taong nag titiis sa ugali natin ay mananatili sa tabi natin, darating din ang panahon na mag sasawa sya sa mga pinapakita natin.
Forwarded from Deleted Account
Nasasayo na kung panong mo dadalhin yung nararamdaman mo, kung ioopen mo ba sa kanya para aware siya o itatago mo nalang para walang magbago sa samahan niyo. Pero pano pag naunahan kana ng ibang tao pano na yung sarili mo, hindi mo maopen sa kanya kasi baka mapalayo siya sayo pano pag hawak na siya ng iba edi mas hirap kanang lapitan siya. In case na magkaganon nga mas mahihirapan ka lalo na kung palagi kayong nagkikita.
Bakit nga ba kailangan muna masaktan,
kailangan muna masaktan bago natin malaman
bago natin malaman na hindi siya yung tamang tao hindi siya yung tamang tao para sa puso nating parang ewan.
Bakit ang tao, pag anjan, hindi pinapansin. Pag-umalis, tsaka hahanap-hanapin? Pakipot-much?
Pride vs. Rejection
Bakit kadalasan, mas pinipili ng tao ang pride kesa sa possibility na ma-reject at ma-hurt sila?
Bakit nga ba? Bakit nga ba kahit araw, buwan, taon na ang lumipas hinahanap-hanap pa rin natin yung taong wala na satin? Kung tutuusin, marami namang mas deserving. Marami namang taong kaya kang mas mahalin ng sobra kesa sa kanya. Pero bakit sa bawat oras na malukungkot ka, sya ang una mong naiisip? Minsan gusto mo nalang isipin na pagsubok ang lahat. Na binigay sayo ng Diyos ang lahat ng to para maging mas matatag ka pagkatapos nito. Pero bakit parang habang tumagatal, lalong sumasakit. Bakit parang habang lumalalim, lalong humahapdi? Bakit parang wala ng bukas? Wala ng sagot sa lahat ng tanong? Parang hindi na hihilom yung sakit ng kahapon? Bakit?